Bullied

Paalis na ako ng bahay kanina ng nabully ako ng isang taong-grasa sa amin. May edad na yung babae, siguro mas matanda pa sa nanay ko. Marami naman kasing taong-grasa sa amin, so siguro nasanay na lang din ako at hinayaan ko siya. Yung iba naman kasing taong-grasa na nakasagupa ko, harmless. So magkasunod kaming naglalakad, siya yung nasa unahan ko. Tapos bigla siyang yumuko doon bench na nasa may tabi. Akala ko hihiga siya sa bench. Pero hindi. Binuhat niya yung bench at itinilapon! Oooh, I thought. That’s not right.

Instinct ko na kaagad na umalis sa bangketa at maglakad sa kalsada. Tapos nangyari ang ikinatatakot ko: nagtagpo ang mga paningin namin. At hindi kami nabighani sa isa’t isa. Nilapitan niya agad ako na noon e napahinto saglit. Tapos bigla niya akong binanatan ng linyang huli kong narinig noong elementary pa lang ako. “Ang tangkad mo ah. Ano. Tangkad mo”.

Hindi ko alam kung compliment yun, pero hindi ko na binalak pang alamin kung ano ang intensyon niya. Palapit na siya ng husto sa akin, at ang ikinatatakot ko e baka duraan niya ako o pagtatampal-tampalin. Maarte na kung maarte, pero ayokong marumihan yung damit ko. Kaya naglakad ako ng mabilis. Alam kong humahabol pa siya, kasi naririnig ko siya sa likod ko, muttering the same words “Ang tangkad mo ah. Ano. Tangkad mo”. Kaunti na lang talaga, sasagutin ko na siya nang “oo! alam ko matangkad ako!”, kaso ayoko nang tumigil sa kakalakad. Lumagpas ako doon sa sakayan ng jeep at patuloy lang ako sa paglalakad. After some time, nagkalakas ako ng loob na tignan yung likuran ko para malaman kung andoon pa siya at humahabol. Pero ang tagal na pala niyang tumigil sa paghabol. Natanaw ko pa siya sa di kalayuan, pero tingin ko safe distance na. Natuwa ako, kasi wala talaga akong balak na maglakad ng ganoon kabilis papuntang LRT 2 Katipunan. Natatawa pa rin ako sa banat niya.

Nabanggit ko na dati na may mga pagala-galang taong grasa sa lugar namin at para sa mga taga-roon e parang normal na bagay na iyon (at sabi ko nga, tingin ko nahawa na ako dahil parang normal na rin sa akin — nung una. Kaso ngayon takot na uli ako). May mga grupo na galing munisipyo na humuhuli sa mga taong grasa para wag silang pagala-gala sa lansangan, pero kinukuha sila ng mga kamag-anak nila para lang hayaang magpagala-gala na lang. Ano pa ang silbi di ba? Kung hindi mo rin lang naman aalagaan at patitirahin sa bahay mo, bakit mo pa kinukuha doon sa kung saan may masisilungan sila at hindi sila magiging pakalat-kalat?

Sana gawan ng paraan ng local government sa amin itong mga taong grasa na ito. Nang hindi kami nabubully.

On MRT Fare Hike

Bago pa kami lumipat ng bahay, gumigising ako ng alas-kwatro ng madaling-araw kasi gusto kong makatakas sa siksikan sa MRT. Alam ko kasi na kapag mga 6:30 na ng umaga e nasa MRT pa ako, for sure matatagalan ako makasakay dahil sa dami ng tao. So gumigising ako ng 4:00 am, umaalis ng bahay ng 5, at nakakarating sa opisina ng 6. Masaya ako sa ganoon, kasi maaga akong nakakarating sa opisina.

Ngayon lumipat na kami ng bahay, sa Cubao na ako sumasakay ng MRT. Naisipan kong magpatanghali kasi naisip ko, medyo malapit na rin naman kami as compared sa dati naming tinitirhan. Saka para naman makahusto ako ng walong oras na tulog. Kaso malaki pala talaga ang difference kapag nagpatanghali ka. Gumigising ako ngayon ng 4:45 (take note, 45 minutes ang difference), umaalis ako ng bahay ng 6 (e sa mabagal akong kumilos e), at nakakarating ako sa opisina ng 7:30-8. Ang laki ng agwat ano?

Sobrang dami ng tao, tapos yung mga dumarating na tren, puno na rin, so siksikan na. Tapos makikita mo yung matinding emosyon ng mga pasahero na sumasakay at bumababa sa tren sa Cubao. Yung iba sumisigaw na wag silang itulak. Yung iba naman galit na binabalya yung mga nanunulak. At may iba rin naman na umiiyak at nagsusumamo (hindi ako exag, totoo yan). Tapos kadalasan, hindi ganoon kalamig sa loob ng tren. May mga bahagi ng tren na mala-North Pole sa lamig, pero maraming bahagi ng tren yung para kayong nasa oven.

Mga ilang araw na rin na ganyan ang tumatambad sa akin sa tuwing sasakay ako ng MRT sa Cubao. Ano ang pakiramdam ko ngayon? Parang gusto ko nang gumising uli ng maaga. Biruin mo, fresh na fresh akong umaalis ng bahay namin, pagbaba ko ng MRT sa Ayala, basang basa na ako ng pawis.

So anong point ko?

Continue reading ‘On MRT Fare Hike’

Elementary Picture

Bihira kang makakakita ng elementary picture ko sa Internet, kasi lahat ng pictures ko noong bata ako e nakalagay na sa photo album namin. Bago ko mailabas yung mga picture for scanning, katakot-takot na interrogation muna kay inay. At wala pa yung kasiguruhan na ma-aapprove niya yung request ko.

May isa ako ngayong kaklase dati noong elementary na nag-post ng pictures sa Facebook, at may isang picture doon na kasama ako! Can you help me find Derek in this picture?

Muy bien! Let’s find Derek!

Where's Derek?

Be Honest

Be Honest.
Even if others are not.
Even if others will not.
Even if others cannot.

YM Ads!

Noong unang nagkaroon ng ads ang Yahoo! Messenger ko, inisip ko kaagad na tanggalin siya gamit yung mga utilities na pwede mong idownload sa net. Medyo nakakalusot pa ako noong mga naunang versions, kasi nagagawa ko talagang paalisin ang mga ads sa YM ko. Kaso nalaman ata ng Yahoo! na nababalewala yung mga ads nila, so mas pinatindi nila ang pagkakalagay ng mga ads nila. Parang mga campaign posters na hindi lang basta dinikit gamit ang pinalabnaw na paste na ginagamit mo noong elementary ka pa lang. Nakawelding na para hindi na talaga pwede mapaalis. Dahil doon hindi ko na nagawa pang maalis ang mga ads sa YM ko. Well, naisip ko, hindi ko naman talaga makakainteract masyado yung mismong client, kasi most of the time naman e me kachat ako, at yung chat window ang madalas kong nakikita.

Pero nakakainis, kasi nalaman ng Yahoo iyong behavior ko na iyon.

Sa bagong release ng Yahoo! Messenger, kahit sa mga IM windows meron na ring ads. Ang nakakainis pa nito, palagi ko silang aksidenteng naki-click. Nasa pinakababang part kasi sila ng IM window na dating pinaglalagyan nung stuff na “Someone is typing a message”. Kahit na sobrang liit lang na bahagi iyon ng IM window, ewan ko kung bakit naki-click ko pa rin siya. Ang mga kadalasang nakalagay sa kanya e mga news about global markets, at sa iba pang mga bagay na wala akong interes. E kadalasan nagbabagal pa yung PC ko habang nagwowork, tapos maki-click ko pa yang mga ads na yan. Buti sana kung mabilis magload yung IE 6 at madaling iclose. Tinatamad naman akong iupgrade yung IE 6 ko, dahil hindi ko rin naman yun gagamitin pang-surf.

Ngayon iniisip ko na gumamit na lang ng mga IM clients instead na gumamit ng YM. Pero pag-iisipan ko pa muna.

About

Welcome to the personal blog of Derek, a mere Homo Sapien, who loves rainy days and writing. His blog is all about his thoughts and adventures in life.

Read More ยป