Toys of Childhood

Hindi ganoon karami ang laruan ko noong bata ako. Inalis sa akin ng nanay ko ang kaisipan na pwede niyang bilhin lahat ng laruan na gusto ko, kaya naman sa tuwing bibilhan niya ako ng laruan once in a while e tuwang tuwa na ako. At dahil hindi ganoon ka-constant ang daloy ng laruan mula sa pitaka ng nanay ko, sobrang iningatan ko talaga iyong mga laruan ko kaya naman hanggang ngayon e buhay pa rin.

Ang pinakauna ko talagang laruan ay isang kotse na kulay itim. Mahusay ang laruan na ito kasi hindi lang ito yung basta-bastang kotse na kapag inatras mo at binitawan e tatakbo ng matulin. May special functionality ito na kapag bumangga sa pader ang bumper niya, magta-tumbling ito sa ere at bubukas ang pinto. Nakuha siguro nito yung idea sa pelikula kung saan pinapasabog yung mga kotse at himalang nakakalabas yung driver. Hindi ko na alam kung nasaan na iyong laruan na iyon ngayon, though alam ko na naabutan at nalaro iyon ng pamangkin ko (hmm, matanong nga si Kulit). Pero may iba pa rin naman akong laruan, at since wala akong magawa noong weekend e naisipan kong paghahalungkatin sila sa baul ng laruan ng pamangkin ko para maipakita sa inyo.

Ito na ata ang pinakamatandang laruan (next to my Streetboy-car) na naibigay sa akin ng nanay ko. Noon kasing elementary ako, kapag nakakakuha ako ng mataas na grade per grading period e dinadala ako ng nanay ko sa Jollibee. Yes, para sa akin e langit na ang Jollibee, at sobrang jackpot pa kapag binilhan ako ng nanay ko ng Hamburger Yum with Cheese at French Fries. Nakakatuwa pa noon, kasi me kamatis at pickles pa yung Yum Burger nila (na palagi ko namang binibigay sa nanay ko). So dati pa lang e uso na iyong mga may kasamang laruan na meal (hindi pa naman ako ganoon katanda) so noong makita naming ito ng nanay ko e naisipan naming kolektahin. Katulong ang kapatid ko, nagpupunta sila palagi ng Jollibee para kumain (bad trip, hindi ako isinasama) at kolektahin ang siyam na mascot ng Jollibee na nakasakay sa spaceship (trivia para sa mga kids na lima lang ang naabutang mascot ng Jollibee: siyam talaga ang mascot nila). May mga “connector” itong mga spaceship na ito, kaya pwede mo silang pagkabit-kabitin gaya ng nasa picture. Sayang nga lang kasi wala si Jollibee mismo noong hinalungkat ko ang mga iyan. Don’t worry Jollibee, mahahanap din kita at isasama kita next time sa picture taking!

Hindi kalaunan e naisipan ata nina Jollibee at ng mga kasama niya na boring ang buhay sa spaceship, so nagdecide sila na tumayo na lang. Iyon ang sumunod na kinolekta ng nanay at kapatid ko for me. And this time, kasama na si Jollibee mismo! Dati kabisado ko pa ang mga pangalan nila, pero ngayon medyo nakalimutan ko na. Short exercise para sa mga kasing tanda ko, can you name all of them?

Itong sumunod na picture naman e galing pa rin sa Jollibee at isa sa mga paborito kong cartoons noong bata ako: Popeye the Sailor Man. Ito yung kung saan yung bida e kumakain ng spinach para lumakas ang katawan at talunin ang kalaban niyang si Bruno (o Bruto, Brutos?). Noong una naisip ko na ang aim ng cartoons na ito ay para hikayatin ang mga bata na kumain pa ng gulay para lumakas (gaya ni Popeye), pero ewan ko kung bakit isa rin sa mga ugali ni Popeye ay ang manigarilyo. Siguro isa rin yun sa mga values na gustong ipahatid sa atin ng mga sumulat ng cartoon series na ito. Lagi kong nilalaro ito habang nanonood ng Popeye. Minsan nga hindi pa ako nasatisfy at itinabi ko pa yung mga laruan ko sa TV para ikumpara sa counterpart nitong character.

Isa rin ito sa mga pinapanood ko noong bata ako: Teenage Mutant Ninja Turtles. Toy collection pa rin galing Jollibee, at hindi lang ito basta toy. Sa paanan ng mga tauhan e may pantasa ng lapis, so pwede mong gawing excuse ito para hindi maconfiscate ng teacher kapag nahuhuli kang naglalaro instead na nakikinig sa lessons niya. Cool stuff.

Surprisingly e hindi na galing sa Jollibee ang laruan kong ito. Regalo sa akin ito ng isa kong tiyahin sa mother side na hindi ko na matandaan kung sino. Actually marami pang nakasuot sa laruan na ito: belt na may scabbard para sa sword at lalagyan ng baril. Tapos hawak ng magkabilang kamay niya yung sword at baril. Yung sombrero rin niya e may nakatuhog na pana, pero pinutol ni Kulit. Yung sword, baril at sinturon niya e nawawala as we speak.

Ay sobrang cool ng isang ito. Isa ito sa Troll series na regalo rin sa akin ng tiyahin ko na of course e hindi ko na rin matandaan kung sino. Boxer talaga siya, pero isang gloves na lang ang nahanap ko sa baul. Meron pa talaga itong head gear at isa pang glove (obviously) pero nawawala na sila ngayon. Sobrang cool nito para sa akin, kasi kapag pinihit mo yung kanang braso niya e iilaw yung gold na medal niya sa dibdib. Sobrang cool na nagkukulong pa ako sa bahay ng pinsan ko (na palaging madilim kahit na daytime) para lang makita ko yung liwanag na lumalabas doon sa kwintas niya. Ngayon sinubukan ko uling pihitin yung kamay, pero hindi ko na maaninag yung ilaw. Siguro low-batt na (kaso hindi ko naman alam paano papalitan iyong baterya).

Ito na ata ang pinakadisturbing na troll na ibinigay sa akin ng tiyahin ko. Actually may buhok talaga siya na sobrang haba na mala-super saiyan, pero sinabunutan ni Kulit kaya ayan at nakalbo. Hindi ko nilaro ito ever, since natatakot talaga ako sa kanya. Kung lalaruin ko man ito, siya yung kalaban. May pana siya na hawak sa kamay niya na pwede ring gawing shield. As usual nawawala na rin yun.

Ilan lang ito sa mga nasalba kong laruan noong bata ako. Kapag tinitignan ko sila, hindi ko mapigilang kalimutan na matanda na ako at laruin uli sila. I even made some funny sounds of explosion (like bugush!) while I make them punch each other. Doon ko narealize na sobrang saya pala talagang maging bata. Wala kang pinoproblema sa buhay kung kumain at matulog (especially sa tanghali para daw lumaki ako). Hindi mo aalalahanin kung may hindi ka natapos na trabaho sa opisina, o kung may namiss kang homework. Hindi ka rin mag-iilusyon na bumili ng DSLR, iPod Touch o iba pang gadgets, kasi para sa iyo, ang mga simpleng laruan gaya nito e sapat na para mapagbigyan ang mababaw mong kaligayahan. Hindi ko naman sinasabi na hindi ko gusto ang buhay ko ngayon. Nakakatuwa lang maisip na masarap pa rin talaga maging bata.

2 Responses to “Toys of Childhood”


Comments are currently closed.
blog comments powered by Disqus

About

Welcome to the personal blog of Derek, a mere Homo Sapien, who loves rainy days and writing. His blog is all about his thoughts and adventures in life.

Read More »