Masyadong talamak ngayong mga panahong ito ang freedom of speech o kalayaan sa pagsasalita. Nauna na dito ang pagpayag ng Korte Suprema sa mga kandidato na magpalabas ng mga “infomercials” dahil karapatan daw nila ang magpahayag ng kanilang mga saloobin at hindi dapat itong tignan bilang premature campaigning. Ngayon ay masusubukan ang tatag ng karapatang pantao na ito sa kalagayan ng isang blogger na nahaharap sa kasong libelo na isinampa laban sa kanya ng isang opisyal ng gobyerno.
Just last month, kinasuhan ng libel ng National Bureau of Investigation ang isang blogger named Ella dahil sa post nito tungkol sa diumano’y mabagal na pagpapakalat ng DSWD ng mga relief goods para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng. Sinasabi ng nasabing post na nabubulok figuratively ang mga relief goods sa loob ng DSWD warehouse dahil sa walang sapat na volunteers na tumutulong para mag-repack ng mga goods. Ang tanong ngayon ni Ella: bakit nasabing walang volunteers gayong ang daming gustong tumulong? May mga pictures din siyang inilagay na nagpapatunay sa kanyang mga nakita at sinasabi. Parang Imbestigador lang. Dahil masyadong nasalanta ang mga kababayan natin that time, medyo sensitive sila sa mga ganitong klase ng balita, that this post caused an uproar among the netizens.
Sa kasagsagan ng Bagyong Ondoy at Pepeng, naging usap-usapan ito sa Internet. Ipinakalat ang balitang ito gamit ang Facebook, Twitter, at iba pang klase ng Social Media. Dahil sa naging hot topic na ito sa Internet, napansin ito ni Health Secretary Dr. Esperanza Cabral, na noon ay secretary pa lang ng DSWD, at mariing pinabulaanan ang mga paratang tungkol sa proseso nila ng pamimigay ng relief goods. Nasabi pa nga niya, na hindi daw sila nagtatago ng perishable goods sa loob ng warehouse, which supposedly answers the allegation of “nabubulok” sa warehouse. Pero we can tell naman na it’s just a figure of speech, and Ella doesn’t really mean that the goods are literally rotting inside the warehouse. Dahil dito, Dr. Cabral asked the help of NBI to investigate the said post of Ella, dahil para daw sa kanya, the said blog post contains “malicious imputations” against her, the DSWD, and its employees. Sabi pa ng NBI, “the post alluded that she (Cabral) and the DSWD employees are corrupt, having diverted donated goods for personal gain at the expense of the typhoon victims, and downright incompetent”.
I am not going to give any legal opinion about the matter. Let’s leave to people who are well-versed with the law. Pero ang sasabihin ko ay bilang blogger lang din. Hindi ko ginagawa ito para makisawsaw or anything, or to get more hits just because this issue is hot these days. Medyo hindi ko lang gets kung bakit ganito ang naging reaction ni Dr. Cabral sa mga sinabi ni Ella sa kanyang post. Gaya ng sabi ko noong una, parang Imbestigador lang ang dating ng post ni Ella. It’s a fair commentary about something that she feels is a matter of public concern. She made some witty comments while describing the pictures, which you would normally see on investigative shows on TV. Nagkataon lang na the said post came from social media, and not from mainstream media. Kaya ako nagkakaroon ngayon ng mga katanungan sa isip ko na baka sakaling masagot mo. I am having this impression that anything that comes from social media isn’t true and always told to imply malice to anyone. Hindi na ba pwedeng magbigay ng fair commentary ang isang blogger sa isang bagay na tingin niya ay dapat niyang ikwento, dahil ang media na gagamitin niya ay hindi TV, dyaryo o radyo? Iniisip ko, kung ang post kaya ni Ella na ito e naibalita gamit ang mainstream media, (i.e. si Mike Enriquez ang nagrereport), magiging ganito pa rin kaya ang reaction ng DSWD?
Hindi rin naman naging one-sided lang si Ella about this issue. Para maging fair kay Dr. Cabral, she even posted the then DSWD secretary’s press statement about the said matter, just like Imbestigador and other similar TV shows would do. So masasabi pa rin ba na may malisya ang nasabing fair commentary ni Ella?
Kung tutuusin, madadaan sana sa maayos na usapan ang topic na ito. I think Dr. Cabral can do better by that than filing a case against the blogger. Para sa isang gaya ko na nakakasaksi sa mga pangyayari, ang impression sa akin e nabubully ang blogger by presenting subpoena against her. Sabi nga ni Winnie Monsod kay Mikey Arroyo about his SALN, the burden of proof should be on the public official. They should not challenge anyone, or be challenged in court just to prove their innocence. Instead of defending your image and your government department from being branded as a corrupt by filing a case on court to have the blogger retract her allegations and/or pay for damages, bakit hindi siya magpakita ng proof or video na lang ng warehouse showing volunteers re-packing the relief goods? Hindi pa ba sapat yun to get vindication?
I think it should be made clear what the bloggers’ rights are. Dapat alam natin kung ano ang citizen journalism, kung paano ito gagawin responsibly, etc. If ever, this libel case against the blogger might define the stand of Philippine justice towards social media, and I am hoping that this media would get its fair share.






1 Response to “Blogger Sued: Fate of Social Media”