Confessions of a Movie Bluff

I enjoy watching movies. Pero I am really not that kind of guy who likes watching every movie that goes out. I have this criteria of whether I should watch it or not. Mararamdaman mo na ordinaryong tao lang ako na gustong magpakasaya kaya nanonood ng sine, and not that kind of guy who wants to appreciate the art and stuff. I just want to be entertained.

I let out a humongous sigh of relief when I realized that MMFF 2009 is over. Starting today, everything in the world will go back to normal, I guess. Well I am not saying that Filipino movies in MMFF (ooh, redundant) aren’t really good, since I haven’t watched them all. Nahatak lang ako ng nanay ko na manood ng Ang Darling kong Aswang and Mano Po 6, so ang masasabihan ko lang ng maganda at… ehhh e yung mga movies na ito. Other than that, mas gugustuhin ko pang huwag na lang panoorin, kaysa magsalita ng kahit na ano.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang gusto ko specifically sa isang film. Well for starters, ang gusto ko talaga e more of action, adventure and science fiction type kind of movie. I hate horror and unnecessarily bloody kind of movies, since hindi ako nakakatulog sa gabi kapag ganoon. I can watch drama and romantic movies, pero madalang ko silang panoorin sa sinehan. Imagine a guy caught buying ticket for one for uhh.. Twilight (oops!). Isa sa mga natatandaan kong romantic movie na pinanood ko sa sinehan e yung Lakehouse, which is a Hollywood remake of the Korean movie Il Mare. Other than that, I will depend on my friends to remind me what other romantic movies I have watched with them in cinemas.

May mga movies din na hindi ko talaga trip panoorin, pero for the sake na magkaroon ako ng closure e pinapanood ko. Those are the movies that many people are so crazy about, pero either hindi ko na naabutang panoorin, o ayokong pagkagastusan sa sinehan. One example of this is Twilight. Hindi ko pa talaga nababasa yung book, so I can’t say anything, pero I am really not that interested in paying to watch it. Pero since marami sa mga office mates ko (even my sister!) ang hayok sa Twilight, I decided to give it a try, having one question in mind: Ano ang mayroon sa movie na ito na sobrang kinababaliwan ng mga tao, especially girls (except April)?

Pero kahit na alam ko kung ano yung mga genre ng films na gusto ko, hindi ko alam kung ano ang mayroon sa film na ito na maappreciate ng madla. Well sabi nga nila, beauty is in the eye of the beholder, pero ang pinaka-achievement ng isang director or writer, ay yung maging maganda ang pelikula nila sa mata ng mas nakararaming tao, kung hindi man sa lahat. There are some movies that some people find it good and awesome, but at the same time some other people find it bad and lame. So what makes it bad and lame? Yun ang hindi ko alam kung paano susuriin. Pangit ba dahil naging masyadong happy ang ending? Pangit ba dahil yung mukha noong bidang lalaki e sobrang puti nang makeup na mas nagmukha siyang aswang kaysa sa asawa niya? Pangit ba dahil sobrang taba na noong bida na nagtawanan yung mga tao noong may isang eksena kung saan hindi na siya makasakay sa van? What makes it bad and lame?

For some reason, mas nauuna kong mapanood ang movie bago ko mabasa ang review about it. Medyo weird, kasi kaya ka nga naghahanap ng movie review e para malaman kung worth na panoorin yung pelikula. Pero minsan kasi may mga movie critics na isinusulat na yung ending ng movie sa movie reviews nila, kaya tuloy nai-spoil ako (okay, I am kidding. I really don’t care if people spoil me or not. Panonoorin ko pa rin yung movie. Pero kung say, sa isang episode ng series e sasabihin sa akin yung ending, hindi ko na panonoorin yung buong series at pupunta na ako agad doon sa latest episode. Dahil sa ugali kong iyan, minsan nakakapagsabi ako ng mga stuffs na for me e okay lang, pero pwede palang maka-spoil sa ibang tao. Kaya to show respect, better keep quiet na lang. :D Okay tama na, sobrang haba na nitong disclaimer ko). Actually kaya ayoko magbasa ng movie review bago manood ng movie e dahil sa hindi jive yung sinasabi ng review sa interest ko, especially if sobrang gusto kong panoorin yung film. Hmm, let me think of an example.

There. Isang example ng movie na nabore ako pero sobrang ganda ng reviews e yung 500 Days of Summer. Sobrang dami rin akong kakilala na nagandahan sa movie, pero parang ako e ni hindi man lang tinablan. Or maybe hindi lang talaga para sa akin ang mga romantic films. Isa ring example e yung Ang Darling kong Aswang. Sobrang lumubog ako sa upuan while watching the film, dahil sobrang nakornihan ako na ewan. Pero the review in Click The City says that it’s the most improved film by Tony Reyes after a series of dull movies. Come on? Hindi ba parang Enteng Kabisote rin ito na ginawa lang aswang yung asawa niya instead na fairy?

Mayroon din namang ibang mga movies na sobra akong nagandahan pero yung review e sobrang disappointed na ewan. One example is Mano Po 6. Well hindi ako super duper nagandahan, pero I feel that it’s quite decent. (Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ito: dahil ba pinanood namin ito after naming mapanood yung Ang Darling kong Aswang na umumay sa akin na tipong I was craving for something even less decent, but decent nonetheless?) Pero a review says otherwise. Well in fairness with the review, iba naman kasi yung mga points na nakita niya sa mga nakita ko, and the review’s points are deeper and well thought of as compared to mine. E sa totoo lang, kaya ko lang naman nasabing maganda yung movie e dahil sa sobrang buwisit na buwisit ako kay Zsa Zsa na gusto ko na siyang sabunutan, and at the same time e gusto ko namang pakainin ng pakainin si Sharon sa awa ko sa kanya. Plus, the movie has a happy ending. Hindi namatay si Sharon! Babaw no?

Kaya minsan talaga naiisip ko, am I really a movie buff? Or am I just bluffing to myself? Hindi ko talaga alam. Pero isa lang ang masasabi ko. I enjoy watching movies. And I shouldn’t really care what others would say sa pinapanood at panonoorin ko, as long as nag-eenjoy ako. :)

Target movies: Sherlock Holmes and Alvin & The Chipmunks 2. :D

  • Love

    try watching avatar sa imax :D

  • http://www.apendiks.com Derek

    never kong inexpect na magkakaroon pa ng Avatar, so hindi ko naisama sa plans ko yan. :(

blog comments powered by Disqus

About

Welcome to the personal blog of Derek, a mere Homo Sapien, who loves rainy days and writing. His blog is all about his thoughts and adventures in life.

Read More »