Nakatanggap ako ng e-mail from a friend na may subject line na “Hindi dapat tularan!”. Na-curious ako at tinignan yung mail, at eto nga ang sumambulat sa akin.
Ang larawang tinitignan mo ngayon ay kuha ng isang sundalo Filipino na buhat-buhat ng isang bangkero sa kanyang likod, samantalang yung isang sundalong Amerikano e walang patumanggang nilulusong ang tubig.

Brig.Gen Marciano Ilagan
Medyo nakakairita yung eksena, pero nairita pa lalo ako ng mapansin ko na parang nakatingin pa siya sa camera at medyo nangingiti pa. I did some research and found out that this picture was taken noon pang 2002. Kaya ko nasabi ito e dahil sa yung news article na nabasa ko e about sa decision by the President not to do anything about the issue, was dated February 28, 2002. Tingin ko matagal nang umiikot sa Internet ito, kasi when I searched it for Marciano Ilagan, ang daming lumabas na results.
The story was, some service ata yung pupuntahan nila, and nag-aalok daw talaga yung mga bangkero doon na buhatin na lang yung mga officials na sakay ng bangka para hindi na mabasa pa yung paa. Noong una daw tumatanggi pa raw si General Ilagan, pero napapayag din. Lahat naman daw ng officials e binuhat, maliban lang sa Amerikanong sundalo. Unfortunate for General Ilagan, nakuhanan siya ng larawan na buhat-buhat.
Sari-sari ang reaksyon about sa larawan na ito. I just find it hard to believe na ayaw ng General na buhatin siya talaga. Kasi kung ayaw mo, bakit ka nagpabuhat pa rin? As a soldier, I think dapat wala siyang pakialam kung mabasa sila o marumihan ang mga sapatos at pantalon nila. Sa giyera nga di ba nagka-camoufladge pa sila para lang hindi makita ng kalaban, and that means they have to put dirt on their faces and gears just to not get any attention. Pero sabagay, may mga magsasabi nga naman na hindi naman giyera ito. Fine.
I don’t want to react that much sa issue, like ask for the removal of the said officer. Matagal na rin kasi itong issue na ito, at mahirap namang buklatin pa. Gusto ko lang siyang i-blog. Ikaw, ano masasabi mo about sa picture na ito?





