College pa lang ako, sumasakay na ako ng MRT. Not that I am saying na “veteran” na akong parokyano, because I am pretty sure marami na ang gumagamit ng MRT since its grand opening on 1999. My point is, kahit siguro sinong sumasakay sa MRT ay mapapansin ang pagiging spoiled brat nito.
Just last Wednesday, while riding an MRT papunta sa office, nagulat kaming lahat dahil ang tagal niyang nakahinto sa Guadalupe Station. Noong una hindi ko pa ito pinapansin, kasi there are really times na matagal na nakahimpil ang tren sa isang istasyon. Pero medyo matagal ata this time. Tapos biglang namatay yung makina. Alam namin na namatay yun kasi pakiramdam mo hindi ka na nagba-vibrate. Siguro mga ilang minuto ang lumipas at nagvibrate uli kami. Umaandar na uli yung makina. Pagkabuhay ng makina, nagsara na agad yung mga pinto. But just seconds after the doors were shut, bumukas uli sila, tapos namatay uli ang makina. Hindi pa rin namin ito inalala, pero noong mga ilang beses na itong nangyari, medyo nahahassle na kami. Tapos naririnig namin na parang “umiiyak” yung tren habang sinusubukan nitong isara ang mga pinto. Doon na namin naramdaman na there’s a problem with the train, we just don’t know what. Akala namin masosolve agad yung problem, whatever that is, kaso biglang may nagsalita sa PA system.
Sa mga mahal po naming pasahero, paki-vacate na lang po muna natin ang train. May sira po ang train. Inuulit ko po, paki-vacate na po ang train. May sira po ang train.
Lahat ngayon kami e bumaba. Hindi na ako lumayo masyado, dahil kita na namin yung susunod na tren na nakatigil sa tulay sa ibabaw ng ilog Pasig. Siyempre, lahat ng tao gusto nasa unahan, kaya siksikan sa pagbaba. Ayaw nila na nasa likod sila, so yung mga nasa unahan ng pila e tinutulak nila para sila ang mauna sa pila pagpasok sa susunod na tren. Hindi talaga ako nakikipagsiksikan sa train hangga’t maaari. Pero sa case na ito, kahit na sobrang siksikan yung mga pasahero sa sumunod na train, sumiksik na rin ako. Kasi malapit na rin naman, at alam kong marami rin naman ang magbababaan sa Buendia Station, which is yung kasunod na station.
So, bakit ko sinabing spoiled brat ang MRT? Sa pagkakatanda ko, iniutos ni PGMA sa administration ng MRT na gawing 24 hours ang operation nito para matulungan yung mga nagtatrabaho sa call center na umuuwi ng gabin-gabi. Since 10:30 ang last trip ng MRT noon, hindi na nakakaabot yung mga pinapauwi ng later than that. Minsan pag ginagabi rin ako, minamalas din ako at hindi na rin nakakaabot, so sumasakay na lang ako ng bus. So ang move na gawing 24 hours ang operation ng MRT e talagang makakatulong sa mga gabi na kung umuwi.
Noong marinig ng MRT ito, pumayag sila. Kaso isang araw pa lang ang lumipas, binawi nila yung pagiging 24 hours nila. Sobrang konti lang daw ang mga pasahero, so gagawin daw nila na hindi totally 24 hours ang operation nila. Naisip nila na itigil ang operation ng tren from 1 am to 4 pm, para daw sa maintenance ng mga trains nila. Tapos from 10:30 pm onwards, every 30 minutes lang darating ang train, so malas mo kung pagdating mo e kakaalis lang ng tren, kasi maghihintay ka pa ng kalahating oras. Hindi ko alam kung ilang araw ang itinagal nito, pero eventually naging 12 am to 5 pm yung duration ng pagtigil ng operation nila. Bakit? Ayaw daw nilang isakripisyo yung quality ng mga trains nila, dahil gusto nila na yung trains na sasakyan daw ng mga parokyano nila e nasa A+ condition.
By this time, tingin ko alam mo na kung ano ang pinatutunguhan ko dito. I don’t really believe na fully maintained ang mga MRT trains. Unang-una sa lahat, may mga trains na mala-impiyerno dahil sa sobrang init. Dahil doon napipilitang buksan ng mga pasahero ang bintana, kahit hindi naman dapat. Then makikita namin na yung mga parang takip doon sa machinery that closes/opens the door e bumabagsak sa mga ulo ng pasahero, kasi maluwag na yung pagkakaturnilyo. Tapos yung mga safety handrails sa tren, either kulang-kulang or sira-sira. Tapos eto nga, yung naranasan namin, sira yung train na kailangan naming bumaba para lang makaalis yung tren. At hindi ito nangyayari once in a blue moon. It’s almost a common thing every day. Tapos sasabihin nila na ayaw nilang i-sacrifice ang maintenance hours ng mga trains nila kasi gusto nila maging A+ condition ito para sa mga parokyano nila?
Well, to be fair with them, the passengers have their fair share on the deterioration of quality from the trains. Pag pasara na yung pinto e pinipigilan nila para makasakay sila. Naalala ko, noong nakasakay ako sa isang train na dapat e hanggang Shaw Blvd lang, tapos babalik na dapat sa North (kasi me nakablock atang defective train somewhere between Shaw and Taft Ave. Stations), biglang nag-announce yung driver na tutuloy na daw ito sa Taft Avenue, kasi wala na daw yung blocked train. May isang pasahero na pasakay na dapat papuntang North, pero ayaw talaga niyang isara yung pinto. Tapos nagsisisigaw siya ng “Hindi ko sasarhan ang pintong ito! Ang sabi sa akin papuntang North ang tren na ito. KAYO ang bumaba!” Well hindi namin siya pinapatulan, kasi bakit kami bababa para lang sa kanya? Pero tuwing sasara yung pinto e talagang pinipigil niya. Nakailang beses niyang ginagawa yun na tuwing bubuksan niya yung tren e rinig talaga namin yung paglagabag noong pinto. Eventually hinuli siya ng security, so tumuloy na rin kami. Kahit ilang beses nang sinasabi ng driver ng train na huwag pigilan sa pagsara ang mga pinto, pinipigilan pa rin ng mga pasaway na pasahero, na minsan e parang sila pa ang galit.
I don’t really demand MRT to operate 24 hours. Kasi they have a valid reason not to. Ang hiling ko lang ay sana i-maintain nila talaga yung mga trains nila.





