Just last weekend ay naranasan ko ang bagsik ng bagyong Ondoy. I initially thought that it’s just a simple rain just like any other. But no.
I still remember when I first got stranded because of a typhoon. That was sometime in 2006, when I went to Makati para mapapalitan yung tseke. Sobrang babaw talaga ng dahilan na iyon, kasi kung tutuusin yung nagsisimula pa lang bumuhos ang ulan e pinauwi na kami ng company namin. Pag-uwi ko sa bahay my mother urged me to go back to Makati para nga sa tseke. Maganda raw na pagkakataon iyon para mapapalitan ko na kasi hindi na ako magkakaroon pa ng time. Kahit sobrang lakas na nang ulan at hangin noon, umalis pa rin ako, not having the slightest idea what would happen to me. So ayun nga, nakarating nga ako ng Makati, pero nastranded naman ako sa underpass. Brownout pa, so nasa may hagdan ako para may kaunting liwanag. Sobrang lakas ng hangin, na pakiramdam mo talaga e liliparin ka kung magmamatapang kang lumabas. Then noong humupa na yung ulan, nagpasya na akong umuwi (sarado na ang bangko so useless na) at nilakad ko mula Ayala Avenue hanggang Boni Avenue, thinking that I could make it till Cubao.
Hindi ko aakalaing mauulit ang karanasan na iyon. And this time, another not-so-urgent reason made us go and brave the storm and flood.
I was applying for a loan then, and mayroon kaming nakausap na pwedeng maglakad ng mga papeles. For some reason, may mga needed information pa raw na hindi ko pa nailalagay, at may hindi pa ako napipirmahan. So we have to meet up so we could fix those issues, and they set the meeting last Saturday. Gumising na ako ng maaga noon, kasi gusto ko sana makauwi agad ng mga lunch time. Kaso my elder sister was still asleep, and waking her up was like Mission Impossible 4, at nagsisimula nang umulan nang tuluy-tuloy. Medyo wala naman kaming ginagawa noon, so naligo kami ng pamangkin ko sa ulan. Mga 10 na nang umahon kami at nagsimula na akong mag-ayos. Medyo aware na ako noon na parang hindi ata tumitigil ang ulan, so sinabi ko sa nanay at kapatid ko na baka pwedeng huwag na kaming tumuloy ngayon. Sabi daw kasi nung ka-meetup namin na dapat daw ngayon na kami umalis, na parang akala mo e life-and-death situation na. Hindi ako makapagreklamo noon, kasi naisip ko, kung nafill-up-an ko siguro lahat ng fields sa form na iyon, hindi sana kami mamomroblema ngayon. And besides the application of that loan should be processed as soon as possible. Kaya napilitan din akong tumuloy. Nakasuot lang ako ng shorts, t-shirt, jacket at tsinelas. Hindi na ako nagdala ng cellphone, just in case mapapasubo kami.
Habang nasa daan, nag-uusap na kami ng kapatid ko kung ano ang mas magandang sakyan: FX na lagi kong sinasakyan pag pumapasok sa office, o jeep-bus combo. Ako mas boto ako sa jeep at bus, kasi bukod sa mura e pwede kaming bumaba kahit saan namin gusto kapag dumating yung point na ma-stranded kami. Pinipilit niyang mag-FX na lang kami, pero ako pa rin ang nasunod. Noong sumakay kami ng kapatid ko sa jeep, nakita namin na doon pa lang sa labasan medyo nagsisimula nang tumaas ang tubig. Kahit yung bagong gawang drainage at kalsada parang hindi kayang iflush-out yung tubig, to think na pinataasan na yun. So doon ko na naisip, hindi magiging okay ang biyahe na ito. Then my sister told me, “ano tuloy pa ba tayo?”. I was hesitant at first, kasi ang layo na rin namin, so sabi ko sige tuloy tayo.
Damn, kailan ba ako magtitiwala sa instincts ko? Eto yung naramdaman ko when I decided to go to Makati 3 years ago.
So tumuloy nga kami, at napansin naming hindi na kami umaandar. Sobrang taas na nang tubig at takot nang tumawid pa yung mga sasakyan. Tapos yung jeep pa na sinasakyan namin, umuusok na yung makina. So doon ko nasabi sa kapatid ko na we should go walk. Mas gugustuhin ko pang maglakad kaysa maghintay na hindi gumagalaw yung jeep sa sobrang traffic. May mga payong naman kami, so hindi naman kami mababasa. Noong una manageable naman yung lakad, kasi hindi pa naman ganoon kataas yung baha. Patuloy pa rin yung lakas ng ulan, na tumatagos na yung tubig sa payong ko. Doon ko narealize bakit basa pa rin ang buhok ko gayong mga 1 oras na since nakaligo ako at nakapagpatuyo. Abot hanggang binti na yung tubig, at sobrang lakas ng agos. Naunang lumusong yung kapatid ko (ayaw niya akong paunahin) tapos sumunod ako. Akala ko na noon aanurin ako kaya napabulalas talaga ako na “Ate ano man ang mangyari mahal ko kayo ni mama!”. Yung ate ko naman, tumingin sa akin, “huy, wag ka ngang emo diyan. Nasa bangketa ka na o.” Saka ko lang narealize na nasa bangketa na nga ako. Weird. I thought tumatawid pa rin ako.
So nakarating nga kami sa bayan at pareho kaming tinawag ng kalikasan. Yung kapatid ko may alam na pay-per-jingle na CR, so sinundan ko lang siya. Nagbayad kami ng dalawang piso bawat isa, at inasahan ko na kaagad na nakakasulasok ang amoy sa loob ng CR na panlalaki. Pinigilan ko nga yung hininga ko at ibinuhos lahat. Tapos noong makita kong walang flush yung toilet (wala atang balak magflush ng ihi yung mga gumawa nitong CR na ito) e lumabas agad ako para makasagap ng hangin. Takte.
Noong nasa sakayan na kami ng bus, nagimbal kami sa eksena. Walang sasakyan! Kung mayroon mang bus o jeep, hindi nagsasakay at gagarahe na ata sila. Pareho na atang basa ang mga utak naming magkapatid dahil hindi kami makapagdesisyon kung tutuloy pa. We were both thinking na ang layo na nang nilakad (literally) namin, at nakakapanghinayang naman kung babalik pa. Yeah, not-that-valid reason, pero for us that time yun lang ang naiisip namin. That time humanap na kami ng pay phone para makatawag sa bahay. Si Nanay lang ang makakapagbigay ng reasonable na decision that time. So noong ikinuwento nga namin yung mga nangyari, pinabalik na niya kami. Tumawag kami doon sa imemeetup namin at nagsabi nga rin siya na bukas (Linggo) na lang kami tumuloy.
Noong pauwi na kami, nakita naming nakapila na yung mga sasakyan at hindi gumagalaw, so nagpasya kaming maglakad na lang. Sinuong uli namin yung baha, pero this time mas mataas na. Nakita namin yung malaking gap ng mga sasakyan, dahil nga sa hindi ito madaanan sa taas ng baha. Napigtas yung tsinelas ko habang naglalakad, so nagyapak na lang ako. Hindi na rin ako nagpayong kasi useless na rin, sira na rin yung payong. Hindi na rin nagpayong yung kapatid ko kaya pareho na kaming naligo sa ulan. Habang naglalakad, hindi ako naging maingat at natibo pa yung paa ko. Buti at nalabas ko kaagad yung bubog na hindi naman malaki. Kahit sugatan na e naglakad pa rin kami. Doon ko narealize buti pala at hindi ako nagdala ng cellphone. Basang-basa na kami. Pero nagulat ako, kasi yung mga kasabay naming naglalakad, nagagawa pa ring mag-text! Yung plastik na ginagamit sa paggawa ng yelo at ice tubig ang ginamit para maibalot yung cellphone. Konting buhol lang at voila! Waterproof texting. How resourceful.
Nilusong namin yung hanggang baywang na baha. Ito na yung pinaka-ultimate na baha that time. Noong nakarating kami sa bahay namin, pareho kaming pagod na pagod at nakakatuwang malaman na hindi binaha yung bahay namin. Tignan mo nga naman, kahit sobrang layo sa kabihasnan nang bahay namin, hindi naman binabaha. Ang nakakapanglumo ay yung lilipatan sana naming bahay sa Marikina. Dalawang palapag yung bahay na iyon at sinabi sa amin noong bayaw ko na malapit lang doon na hindi daw inaabot nang baha ang lugay na iyon. Sabi pa nga nila, babahain na daw ang buong lungsod pero hindi iyon. Pero that time nalaman namin from our caretaker there na nasa second floor na daw sila (ng pamilya niya) ng bahay namin. Binaha rin daw kasi yung bahay nila so naisip nilang sa bahay na lang muna namin magstay thinking na hindi naman inaabot ng baha yung lugar na iyon. Okay naman sa amin iyon, kaso ang nakakagulat ay yung fact na binaha nga ito. Bagong renovate pa naman yung first floor. Noong humupa yung tubig, lumobo daw yung mga bagong pintura na pader, at mukhang gagastos uli kami para ipaayos uli ito.
Pinapalubag pa ng ahente namin yung loob namin, saying na 1978 pa daw noong huling nangyari ito. Well ang point ko, kahit 19-copong copong pa yan, kung inaabot yan ng tubig, posibleng abutin yan ng tubig kahit kailan in the future. Kaso we had so much money spent on that house na, and hindi na namin mababawi pa iyon. :sigh:
Noong bumiyahe ako kanina pagpasok, nakita kong marami ring nasalanta ang bagyong Ondoy. I have no access to news noong weekends, dahil brownout sa amin kaya hindi ko alam na ganito pala kagrabe.
Ipagdasal natin yung mga kababayan nating nasalanta ng bagyo. Kung ikukumpara yung karanasan namin ng kapatid ko, for sure wala lang ito. Na-touch ako noong nagkasignal na ako at nakatanggap ako ng mga text messages asking if kamusta na ako. Hindi na ako nakareply sa kanila kasi biglang nawala uli yung signal. Pero thanks sa lahat nang nagpakita ng concern.
Ondoy just gave us some realizations, that nature is capable of being disastrous, destroying everything. Napakapait na wakeup call.





