Pilot

Para sa mga traffic violators, mortal nilang kalaban talaga ang mga traffic law enforcers gaya ng MMDA. Kaya kapag nakakakita ka ng driver na kaskasero na nahuli, sa loob-loob mo minsan nasasabi mo, “buti nga sa iyo”. Pero minsan kasi, hindi mo rin talaga masasabi na lahat ng traffic law enforcers (again, gaya ng MMDA) e talagang tapat na tumutupad sa kanilang tungkulin. Kaya naman may mga oras na yung mga traffic violators ang nagsasabi sa mga MMDA ng mga katagang “buti nga sa iyo”.

Sa lugar namin, kadalasang FX ang sinasakyan ng mga tao kapag pumapasok sila sa opisina. Kasama na ako doon. At kadalasan sa mga FX na pumapasada sa amin e puro colorum. Eto yung mga FX na walang prangkisa o yung mga sasakyan na hindi pwedeng “for hire”. At dahil ganoon, maraming ginagawa ang mga drivers to avoid being apprehended by traffic law enforcers. Minsan effective, minsan epic fail.

Marami na akong nakita na pangyayari kung saan nahuhuli ng MMDA yung driver. Kadalasan nga pasahero pa ako. Noong una kong naranasan yan, natakot ako, kasi nasa gitna kami ng kawalan noon, at kung pabababain kami e for sure malayo-layong lakaran yun (wala pa namang two-way radio si manong that time). Kaso siguro sa katagalan, nasanay na lang din ako, since alam ko naman sa loob-loob ko na “magagawan ng paraan” yan ni Manong Driver. Pero ang nakakatawa dito, hindi magawang hulihin ni MMDA officer si Manong Driver. At yun ang iisa-isahin ko ngayon dito.

Isang araw nakasakay ako noon sa likurang upuan ng Toyota Revo na ang driver e isang sundalo. Malalaman mong sundalo siya dahil sa gupit niya, at makikita mo na nakasabit sa rear view mirror niya yung mga ID niya na nagpapatunay talaga na sundalo siya. Hindi ko lang alam kung sundalo talaga siya o baka enlisted personnel lang, though hindi ko alam kung ano ang kinaibahan noon. So there, bumiyahe kami papuntang Quezon Avenue at talaga namang kaskasero siya kung magmaneho, bukod pa sa katotohanang colorum ang sasakyan niya. Siguro mga 20 minutes lang yung itinagal ng byahe. E kadalasan 30-45 minutes yun pag umaga. Kaso noong malapit na kami sa mismong baba ng MRT station, namataan ko kaagad yung dalawang MMDA officer na nakita kami at dali-daling sumakay ng motor para habulin kami. So ako naman, hindi na ako kinabahan since malapit na kami (heh, selfish). Pero nagsalita yung mama bago kami bumaba. “Sandali lang ha, wala munang bababa”. Tapos mula sa drawer niya, hinugot niya yung baril niyang .45! Tapos saka niya sinuksok sa likod niya. Hindi niya ipinaibabaw yung t-shirt niya yung nakasuksok na baril, so kita mo na agad yung baril niya from afar, lalo na at naka-white shirt pa yung driver. Tapos bumaba siya ng sasakyan at binuksan yung likod na pinto ng Revo kung saan ako dadaan para bumaba. Ang nakakatawa nito, ay noong nakita ko yung dalawang MMDA officer na nakamotor na palapit na sa amin habang binubuksan nung driver yung pinto sa likod ng Revo niya. Noong makita nung dalawang MMDA officer yung nakasuksok sa likod nung driver, hindi na sila tumigil doon sa harap nung Revo namin para hulihin si Soldier Boy. Agad agad humarurot yung MMDA palayo sa amin.

Isa pang pangyayari e noong ako ay pauwi na from work that day. Colorum na van naman itong nasakyan ko. Nasa EDSA na kami noon at talagang moderate to heavy yung traffic that time, so dahan-dahan lang yung takbo namin. E sa likod, biglang may nag-emerge na MMDA officer na naman na nakamotor. Sa kanan nang van siya dumaan, at binilisan niya ng kaunti yung takbo para maabutan niya yung bintana kung saan makikita niya yung driver. Kumakaway yung MMDA officer sa driver para sabihin na itabi yung van niya dahil huhulihin siya. Pero yung driver, tumingin lang sa MMDA officer tapos tuloy-tuloy pa ring nagmaneho. So si MMDA officer, na-upset. Kaya ang ginawa niya, nag-overtake siya sa van namin, at kumakaway na sa harap mismo namin na tumabi kami. Aba, ang lokong driver deadma pa rin! At hindi lang yun, kumanan pa siya para lang iovertake yung MMDA officer. So ngayon yung MMDA officer e nasa may bintana na nung driver. Kinatok nung MMDA officer yung bintana at ibinaba naman ng driver. Pero bago pa man nakapagsalita si MMDA officer, binunot na ng driver yung police badge niya at pinakita kay MMDA officer, sabay sabi nang “bakit ka ba gegewang-gewang kung magmaneho?” Humingi ng paumanhin yung MMDA officer at umalis na.

Epic fail to both MMDA officers. Pero kung tutuusin, hindi naman talaga nila dapat isipin kung sundalo man o pulis yung driver nang FX na colorum. Kasi kung nagkasala ka sa batas, you should still be punished accordingly. Kahit pa sundalo o pulis ka man. Mas lalo ngang dapat kang sumunod sa batas since ito yung sinumpaan mong ipagtatanggol at ipatutupad mo. But then again, ganoon talaga sa kalye. Palaging merong nasa itaas ng food chain. :P

Welcome sa Apendiks. :)

  • http://underyou.blogspot.com/ Chii

    Takot kasi mga MMDA. Malakas lang ang loob nila kapag alam nilang simpleng tao lang yung hinuhuli nila. Hehe.

  • http://underyou.blogspot.com Chii

    Takot kasi mga MMDA. Malakas lang ang loob nila kapag alam nilang simpleng tao lang yung hinuhuli nila. Hehe.

  • http://www.kampeonngpagibig.com/ promking

    yung tatay ko dati, ganyan din style.. kasi naman, student driver pa lang ako nun at parati akong humihinto sa gitna ng intersection.. ahahaha.

  • http://www.kampeonngpagibig.com promking

    yung tatay ko dati, ganyan din style.. kasi naman, student driver pa lang ako nun at parati akong humihinto sa gitna ng intersection.. ahahaha.

blog comments powered by Disqus

About

Welcome to the personal blog of Derek, a mere Homo Sapien, who loves rainy days and writing. His blog is all about his thoughts and adventures in life.

Read More »