Nitong mga nakaraang araw e napapadalas ang inom ko ng Fit ‘n’ Right (pronounced as “pirruurayt” by my nephew) kapag nauuhaw ako. Pero napapansin kong hindi ata ako pumapayat. Bakit kaya?! As if namang hindi obvious ang reason e no?
Napapansin kong lumalaki na talaga ako. Nay, lumalaki ang tiyan ko. And this is alarming!! Mukha na akong buwaya! Kaya naisip ko na uminom nung L-Carnitine thingy na pinapalabas sa commercial. E naisip ko na ang pirruurayt is the refreshing way to burn (heh), so yun ang napili kong inumin.
So yun nga, akala ko papayat na ako kapag uminom na ako ng pirrurayt. Kaso napapansin kong hindi ata nagbabago ang figure ko (wahahah). Doon ko narealize na niloloko ko lang ang sarili ko. Kung hindi naman ako mage-exercise regularly at kakain ng tama lang, hindi talaga ako papayat kahit gaano pa karaming pirrurayt ang inumin ko. Haay… kailangang mag-ehersisyo!
*Nagugutom ako. Punta kaya ako McDo at umorder ng quarter pounder?* Tsk. Tsk.






mag-gym na! or para uso, magjogging or marathon hehe!
honga. pero hindi ako magpupunta sa gym. mahal e. tatakbo na lang ako.
sama ka na sa’min mag-jogging. every monday and thursday… let’s go!!
me plano na rin ako magjogging kapag nakalipat na kami. maganda-ganda yung sport center doon so mae-engganyo talaga akong magjogging na hindi pinagtitinginan ng mga tao.
Haha! Kapatid kailangan n talaga natin simulan yung jogging natin. LOL
oo nga kapatid. hayaan mo malapit na. hahaha… excited na nga ako e.
L-Carnatine helps you burn fat only if you do so too. Ieenhance niya lang yung effect. So you need to at least walk a mile or run around para maging effective.
Try to add lots of veggies and fruits in your meals. Kahit pang side dish lang ang veggies, tapos dessert ay isang apple, banana, or kahit anong fruit. Papayat ka ng around 5 (or more, depende sa pagka overweight, kung overweight man) pounds within a week.
Kung kaya mo, try pineapple diet. Nabawasan ako ng 6 pounds within a long weekend. Hindi ko sinadya atually, nag uwi lang ng maraming pinya ang dad ko, so todo kain ako nun, tapos nagulat nalang ako.
kapag weekends puro “healthy” naman yung pinapakain sa amin ng nanay ko. Kaso ang problema lang talaga sa akin hindi ako makapag-exercise dahil inaatake ako ng katamaran. hehe…
Thanks for the advice!
ayun lang!
Kung nagttricycle ka pauwi, wag nalang, lakad nalang. Tipid na, exercise pa! Nyahahah.
hindi na nga rin ako sumasakay ng elevator/escalator. stairs na lang!
Hip Hop Abs is the answer!
haha… ako iniiwasan ko yang L-Carnitine as much as possible
I don’t need it at all.
tingin ko hindi mo talaga to kailangan. nuff said!