Cellphones at Work: Unattended

The good thing that I noticed in my workplace is that, hindi ka masyado mag-aalala kung makakalimutan mo yung cellphone mo sa office table mo. You won’t have to worry about anything at all talaga. I forgot my phone once in the office, pero pagpasok ko kinabukasan e andoon pa rin yung cellphone ko sa table ko. Pero ingat ka, baka hindi mo alam, you’re phone is doing something sa office habang wala ka. :P

Wednesday last week lang ako uli nakapasok since I was on leave on Monday and Tuesday. Ang rule ko kasi sa sarili ko, kapag first day ko for the week, I have to go extra early. Wala naman talagang logic doon, gusto ko lang talaga na mas maaga akong pumapasok kapag kunyari Monday, since first day of the week yun. E since for me, my first day talaga for the week is Wednesday, pumasok ako ng maaga sa office. And since maluwag pa ang traffic that time, nasa office na ako ng mga 6:20 am. Adik lang.

Pagpasok ko ng office, sobrang dilim pa, kasi bukod sa nakababa yung mga kurtina e patay pa lahat ng ilaw. Medyo groggy pa ako noon, at medyo humihikab-hikab pa ako kaya hindi ko kaagad nabuksan yung mga ilaw. Dumiretso ako sa table ko nang bigla akong makarinig ng sound from somewhere. Nakatayo lang ako habang hinahanap ko kung saan nanggagaling yung sound. Tapos palakas ng palakas. Hindi ko masabi na computer yun na naiwang nakabukas yung media player at hindi nakamute, since kakastart lang talaga nung sound noon. So bumalik pa ako sa switch para lang buksan yung ilaw. After sometime, tumigil din yung sound.

Tapos pagpunta ko sa table ko (bukas na lahat ng ilaw noon), narinig ko uli yung sound. Medyo malakas kasi siya so hindi ko alam kung me nagpapatugtog ba ng MP3 na hindi ko lang alam. Noong nahanap ko na yung pinanggagalingan ng sound, nakita kong cellphone lang pala na tumutunog.

Though halata naman na cellphone talaga yun na tumutunog, there’s this curiosity in me na tipong I can’t find my peace kung hindi ko maco-confirm talaga. So there, phones in a not-so-silent mode can really freak out early birds. :lol: Akala ko kung ano na.

  • http://underyou.blogspot.com/ Cristina Roig

    What time ba work mo? Ako rin early bird, not just during the first day of the week, ayaw ko lang kasi talaga yung feeling na may hinahabol ako at nagwoworry kung malalate ba while wishing na sana hindi. Nakakasira din kasi ng araw para sa akin. Syempre nagkwento na ako sa blog mo.

    Anyway, I thought sa first paragraph may kumalikot ng phone mo ng naiwan mo at yun ang ikkwento mo. Inantay ko pa naman kung may tinext ba, may nabura ba. haha. Sa amin kasi, pag hindi nailock ung computer pag nagbreak, may nakikigalaw sa IM tapos immessage kung sino sino. Minsan hindi mo ka close ung immessage tapos kalokohan sasabihin, nakakahiya. Haha. At nagkwento ako ulit. Haha.

  • http://underyou.blogspot.com Cristina Roig

  • http://www.apendiks.com Derek

    sa amin 9am – 6pm. pero kadalasan, nasa opisina na ako by 6:30 – 7am. adik lang. :lol:

  • http://www.apendiks.com Derek

    sa amin 9am – 6pm. pero kadalasan, nasa opisina na ako by 6:30 – 7am. adik lang. :lol:

blog comments powered by Disqus

About

Welcome to the personal blog of Derek, a mere Homo Sapien, who loves rainy days and writing. His blog is all about his thoughts and adventures in life.

Read More »